--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan nang ipa-subasta ng Land Transportation Office Region 2 ang mga impounded na sasakyan sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Manuel Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na inumpisahan nila ang naturang aktibidad sa dalawang tanggapan ng LTO sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kung saan nabili naman lahat ang kanilang mga pinasubastang sasakyan.

Target naman aniya nila na matapos ang bidding sa lahat ng Land Transportation Offices sa Rehiyon sa susunod na linggo.

Ang mga motorsiklo aniya na hindi na nakuha pa ng may-ari sa loob ng anim na buwan simula noong araw na na-impound ito ang naisasali sa auction.

--Ads--

Ang presyo ng mga sasakyan ay nakadepende sa halaga ng violation maging ang impounding fee nito.

Kung wala man aniyang bibili sa 1st at 2nd auction ay magbabago na ang halaga nito dahil ang presyo ay ibabase na sa value ng sasakyan.

Magse-set ang LTO ng base price at bahala na ang mga kalahok na mag-set ng mataas na price para makabili.

Kinakailangan naman aniyang may dalang driver’s license ang mga bidders upang mapahintulutang bumili sa mga isinusubastang sasakyan.