--Ads--

CAUAYAN CITY- Takot pa rin na bumalik sa kanilang kabahayan ang ilang mga evacuees sa Brgy District 3 Cauayan City kahit pa man humupa na ang baha.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Domingo Ubod, barangay Tanod sa nasabing barangay, aniya sa ngayon ay wala pang umuuwi na mga evacuees dahil sa pangamba na muli nanaman silang lilikas kung maaapektohan nanaman ng binabantayang papasok na bagyong Leon.

Bukod dito ay wala na rin umanong mauuwian ang ilan sa mga residente dahil tinibag ng tubig baha ang kanilang mga kabahayan.

Habang ang ilan naman aniya ay nakapaglinis na sa kanilang bahay ngunit minabuti pa ring manatili sa evacuation center.

--Ads--

Sa ngayon nasa siyam na pamilya pa rin aniya ang nananatili sa evacuation center .

Tiniyak naman niya na magiging sapat ang mga food packs na ipamamahagi sa mga evacuees dahil nagbigay ang lokal na pamahalaan ng Cauayan ng 200 foodpacks.

Kaugnay nito, naka full alert pa rin aniya ang mga barangay official’s para bantayan at siguraduhing ligtas at busog ang mga evacuees lalo pa at karamihan aniya sa mga lumikas ay mga bata.