--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahulog sa gumuhong bahagi ng kalsada na nasasakupan ng Christine Village, Brgy. District 1 Cauayan City ang isang delivery truck na may kargang dishwashing soap na mula pa sa lungsod ng Santiago

Tinatayang naglalaman ng tatlo hanggang apat na tonelada ang truck partikular ang dishwashing liquid, straw, plastic cups at iba’t-iba pang kagamitan na idedeliver sana sa City of Ilagan at dito sa Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa business owner hindi na ginagamit ang truck dahil may problema sa brake o preno nito kaya ikinagulat niya nang matanggap niya ang impormasyon na nahulog ito sa bangin.

Batay umano sa kwento ng driver, naka baba ang dalawang pahinante upang kumuha ng panangga sa gulong upang hindi ito umatras ngunit dahil sa problema sa preno nito ay hindi na namalayan na tuluyan na itong nahulog.

--Ads--

Ma swerte namang walang nasaktan sa nangyaring insidente.

Nagtulungan naman ang mga trabahador at ilang mga residente upang mailipat ang mga gamit at maiahon na ang truck.

Samantala sa nakuha namang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Chief Tanod ng Barangay District 1,
natibag umano ang sementadong daanan dahil wala ng lupa sa ilalim nito.