--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagdadalamhati ngayon ang buong bayan ng Cabatuan, Isabela sa pagpanaw ng kanilang Alkalde na si Mayor Bernardo “Panyong” Garcia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Charlton “Tonton” Uy ng bayan ng Cabatuan, sinabi niya na 6:22 kaninang umaga nang bawian ng buhay ang Alkalde sa Cauayan Medical Specialists Hospital.

Hindi naman umano niya alam kung ano ang ikinamatay nito sapagkat tinawagan lamang siya kaninang umaga upang ipaalam ang pangyayari.

Noong nakaraang araw lamang umano nila nalaman na nasa pagamutan ang Alkalde ngunit hindi naman umano naipaalam sa kanila ang tunay na estado ng kaniyang kalusugan.

Sa ngayon ay naka half-mast flag ang Munisipyo ng Cabatuan bilang simbulo ng kanilang pagdadalamhati.

Dahil sa pangayayari ay plano naman nilang ipagpaliban ang Town Fiesta ng Cabatuan na nakatakda sanang ipagdiwang sa ika-5 hanggang sa ika-6 ng Nobyembre.

Bagama’t magkatunggali umano sila sa pulitika ay ikinalulungkot pa rin umano ni Vice Mayor Uy ang pagpanaw ni Mayor Garcia na nagsilbing ama ng bayan ng Cabatuan.

Si Mayor Garcia ay ipinanganak noong March 8, 1961. Siya ay unang nagsilbi bilang Sangguniang Bayan Member noong July 1, 2001 – June 30, 2004 at nagsilbi ng limang termino bago mahala bilang ika-sampung Punong Bayan ng Cabatuan, Isabela.