Target ng pamunuan ng bayan ng Cabatuan na makapagpatayo ng sariling Hospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Charlton “Tonton” Uy ng Cabatuan, Isabela, sinabi niya na sa ngayon ay nakapag-pagawa na siya ng disenyo ng isang 3-storey hospital na layuning makapag-bigay ng libreng serbisyo sa publiko.
Sa kaniyang muling pag-upo sa pwesto bilang Alkalde ng naturang bayan, iginiit ni Mayor Uy na kaniyang pangunahing tututukan ang sektor ng kalusugan.
Marami pa rin kasi aniya ang humihingi ng tulong sa kanilang tanggapan para sa pambayad ng gastusin sa pagamutan.
Sa ngayon ay nangangalap na sila ng pondo para masimulan na ang pagpapatayo ng naturang hospital na layuning matulungan ang mga Cabatuanense sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal.