--Ads--

Nasa West Philippine Sea na ang bagyong Pepito at patuloy ang paghina nito.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 km West of Sinait, Ilocos Sur. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160km/h. Kumikilos ang bagyo pa northwestward sa bilis na 30km/h.

Nakasailalim pa rin sa Signal no. 3 ang northern and western portions ng Ilocos Sur, northwestern portion ng La Union at western portion of Abra.

Signal no. 2 naman sa Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Abra, western portion of Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko), Benguet, at northern portion of Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

--Ads--

Signal no. 1 naman ang Apayao, Kalinga, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, western portion ng Cagayan (Lasam, Santo NiƱo, Solana, Enrile, Tuao, Piat, Rizal, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira), Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Nueva Ecija, Tarlac, at central portion ng Zambales.

Batay sa forecast track ng state weather bureau, magpapatuloy ang west northwestward na direksyon ng bagyo ngayong araw habang ito ay nasa West Philippine Sea hanggang makalabas ng PAR Region ngayong umaga o mamayang tanghali.

Sa paglabas nito ng PAR, liliko ang bagyo pa westward o west southwestward hanggang bukas dahil sa epekto ng paparating na northeasterly wind surge na magdudulot naman ng paghina pa ng bagyo.

Manatiling nakaantabay sa mga susunod pang updates lalo na sa mga lugar na nakasailalim pa rin sa tropical cyclone wind signals.