--Ads--

CAUAYAN CITY- Binuksan kaninang ala una ng hapon ang limang spillway gate ng Magat dam na may tig-dalawang metrong opening dahil sa mga pag-ulang dala ng Super Typhoon Pepito.

Sa ngayon kasi ay nasa 190.43 meters above sea level na ang water elevation ng Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS sinabi niya na kung sakali mang matagumpay na mabuksan ang naturang bilang ng gate mamayang hapon ay aabot na sa 1,961 cubic meters ang volume ng pinapakawalang tubig sa Dam.

Mas kakaunti pa rin ito kung ikukumpara sa volume ng tubig na pumapasok sa dam na na umaabot na ng 7, 694.76cms.

--Ads--

Kaninang madaling araw ay umabot pa umano sa 8,700cms ang water inflow sa Magat Dam, higit na mas mataas kung ikukumpara sa pumasok na tubig sa dam noong sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses noong 2020 na mayroon lamang 7,100cms na water inflow.

Nilinaw naman niya na hindi ito sabay-sabay na bubuksan dahil mayroon namang tig-iisang oras na interval bawat isang metrong opening.

Hindi naman nila tinatanggal ang posibilidad na buksan nila ang pitong gate ng Dam na may opening na tig-dalawang metro.

Aniya, kailangan nilang magpakawala ng maraming volume ng tubig dahil umabot sa 124mm ang average rainfall ni Super Typhoon Pepito sa loob lamang ng 24 oras.