--Ads--

CAUAYAN CITY- Pangkalahatang naging matagumpay ang ginagawang Demonstration ng mga bagong Automated Counting Machines na gagamitin sa 2025 National and Local Election.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2 sinabi niya na ang public demo ay pinangunahan ng bawat election Officer ng mga Lunsod at Bayan sa buong Region 2.

Ang ginagawang Demo ay tatagal hanggang sa susunod na taon dahil may kaniya kaniyang schedules ang bawat Election Officeses.

Pinakalayunin ng demonstration ay upang ipakita kung paano gagamitin ang mga ACM na mas advance ang features kumpara sa nakagawiang vote Counting Machines o VCM kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga botante na makilahok.

--Ads--

Samanatala, may paglilinaw ang COMELEC kaugnay sa usapin ng resibo na ilalabas ng ACM.

Ayon kay Atty. Cortez na ang resibo ay iiwan sa loob ng polling precint at hindi ilalabas ng botante dahil kailangan ito ideposito sa DEpot Receptacle.