Iginiit ng Election Watchdog na Kontra Daya na maraming naging aberya sa nakalipas na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, sinabi niya na karamihan sa mga reklamo kanilang natanggap ay may kaugnayan sa mga naitalang Automated Counting Machines (ACM) errors.
Dapat aniyang imbestihagan ang mga naitalang aberya dahil hindi biro ang naitalang “kapalpakan” sa mga ACMs at idagdag pa ang mga naitalang overvoting.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naayos ang dating mga problema na na umusbong simula noong magtransition sa Automated Election System ang bansa ngunit patuloy pa ring nararanasan ang magkakahalintulad na aberya gaya na lamang ng overheating.
Dahil dito ay muling nanawagan ang Kontra Daya ang pag-iimplementa ng Manual Counting upang matiyak na tama ang boto at accurate ang resulta nito.
Maliban dito ay mayroon talamak din umano ang disinformation, red tagging, vote buying sa panahon ng pangangampanya.
Aniya, mataas din ang disenfranchisement o ang mga hindi nakaboto sa 2025 midterm elections.