--Ads--

Nakatutok ngayon ang pamahalaan ng Cauayan City sa pagbabantay sa banchetto upang maiwasan ang pagbebenta ng mga vendors ng mga malalakas ang tama na mga alak.

Tanging mga mild lamang kasi ang pinapayagang ibenta sa banchetto upang maiwasan ang sobrang pagkalasing mga magtutungo rito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division Chief Pilarito Mallilin, sinabi niya na mahigpit ang kanilang pagbabantay dahil maaring may mga palihim na magbebenta ng mga alak na ipinagbabawal sa banchetto.

Aniya may mga lasing na rin kasing nagtutungo sa banchetto at maaring sila ay mabentahan pa rin ng alak.

--Ads--

Tuwing gabi ay nagliliwanag ang banchetto at maraming tao ang nagpupunta dahil sa mga pailaw at mga tindahang nagbubukas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael John Delmendo Jr., City Economic Development and Investment Promotion Officer sinabi niya na wish granted ang mga CauayeƱo sa pagbubukas ng banchetto at ramdam na ang diwa ng pasko sa Cauayan City.

Hinikayat naman niya ang lahat na makiisa sa mga inihandang programa at aktibidad ng pamahalaan