--Ads--

Nadakip ang dalawang lalaki matapos umanong nanutok at nagpaputok ng baril sa Barangay Dagupan San Mateo, Isabela.

Ang naturang mga suspek ay kapwa residente ng Burgos, Isabela.

Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, mayroong tatlong lalaki na mula sa Daramuangan Sur, San Mateo ang nagsumbong sa kanilang himpilan na sila umano’y tinutukan ng baril at nagpaputok pa umano ang mga suspek.

Agad namang nagtungo ang kapulisan sa lugar at nakita nila sa mga suspek ang fire catrige case at Cal. 38 rebolver na may bala kaya naman agad silang hinuli at dinala sa himpilan ng Pulisya.

--Ads--

Samantala, nakaugnayan naman ng Bombo Radyo Cauayan ang isa sa mga suspek na si Alyas Cardo at sinabi niya na patungo sila sa Barangay Sinamar Sur nang maganap ang insidente lulan ng single na motorsiklo.

Nang makarating aniya sila sa Barangay Dagupan ay nagbubusina umano ang kaniyag kasama dahil nawawalan na sila ng gasolina bilang paraas upang makuha ang pansin ng iba pa nilang kasamahan na noo’y mas nauna sa kanila.

Dahil sa kanilang pagbubusina ay maaari umanong narindi ang nagsumbong sa Pulisya na noo’y kasama nilang bumabaybay sa daan.

Iniipit umano sila sa daan ng mga nagsumbong at dahil sa pag-aakala na baha bugbugin umano sila ng mga ito ay bumunot umano siya ng baril bilang warning shot.

Aminado naman siya na pagmamay-ari niya ang naturang baril ngunit pinabulaanan naman umano niya ang alegasyon ng mga ito na nanutok sila ng baril.

Ginagamit umano niya ito sa bukid ngunit nang tinawag siya nang kaniyang kasama na pupunta sila sa Barangay Sinamar ay naitaon na dala-dala niya ang baril.

Nahaharap naman siya at nang kaniyang kasama sa kasong Homicide at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang dalawang lalaki.