Mahigit 89,000 deboto ang nagtungo sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church para dumalo sa oras-oras na Fiesta Masses para sa Pista ng Hesus Nazareno.
Ayon kay Nazareno 2025 at Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano, ang crowd tally ay sinimulan alas-3 ng hapon nitong Miyerkules kung kailan nagsimula ang mga Fiesta Mass.
Nagpaalala naman si Arellano na hindi kokondenahin ng simbahan ang mga mananampalataya kung saang lugar man nila nais na gunitain ang Kapistahan basta’t sila’y mananatiling banal at mabuting tao.
Ang Fiesta Misa Mayor ay isinagawa madaling araw sa Quirino Grandstand na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Jr.
Sa homily, hinimok ni Advincula ang mga deboto ng Hesus Nazareno na sundan ang mga turo ng Panginoong Hesus laban sa mga tukso.
Ang pagpapasakop sa pera, bisyo, at mga masasamang gawain ay nagdudulot lamang umano ng pagkabigo at pagkabalisa.