Umabot na sa 295 deboto na sumama sa Traslacion mula Quirino Grandstand ang sinaklolohan ng Philipine Red Cross (PRC) .
Sa latest update ng PRC, umakyat na sa 295 ang pasyenteng binigyan ng atensyong medikal.
Karamihan sa mga pasyente na nilapatan ng first aid ay nagtamo ng abrasion, puncture, neck apin, avulsion, pagkapaso, pananakit ng uo, natanggalan ng kuko, pagkahilo, at panghihina.
Nananatili naman sa anim ang mga pasyente o deboto na kinailangang dalhin sa ospital.
Ayon sa PRC, isa ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, dalawa sa Tondo Medical Center, isa sa Philippine Orthopedic Center at dalawa naman sa Philippine General Hospital.
Sa 295 na bilang, ang minor cases ay nasa 165 habang 7 ang major cases at 102 ang binabantayan ang vital signs.