CAUAYAN CITY- Bumilis ang inflation para sa buwan ng Disyembre 2024 sa 4.0% sa Lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela sinabi niya na mas mataas ito kumpara sa 2.7% na naitala nitong nakaraang buwan ng Nobyembre 2024.
Ilan sa produktong nagkaroon ng mabilis na paggalaw ang food and non-alcoholic beverages na may 71.8% share ng pangkalahatang inflation kung saan 29.9 dito ay mula sa mga gulay gaya ng kamatis at talong.
Bagamat may pagbilis ng Inflation noong nakaraang taon ay posibleng asahan ang bahagyang pagbagal nito ngayong buwan ng Enero at inaasahang gaganda na ang takbo ng ekonomiya sa Lalawigan.
Samanatala, maliban sa monitoring sa inflation ay abala parin ang PSA sa pag rehistro ng National ID.
Sa katunayan ay magkakaroon ng roll-out sa January 20 para sa gagawing National Id Registration sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan.
Kada tatlong buwan naman ay ginagawa nila ang Labor force Survery maging unemployment rate sa Isabela.