--Ads--

Umapela ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na iwasan na magpakalat ng fake news, maling impormasyon hinggil sa umano’y pagkakaroon ng “blank pages and figures” sa 2025 General Appropriations Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon.

Sinabi ng DBM na ang komunikasyon ay makapangyarihang sandata na maaaring maging “make o break” ng bansa.

Sa kabilang dako, mariing pinabulaanan ng kalihim ang kumakalat na akusasyon na nagsasabing ang FY 2025 GAA na tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay naglalaman ng “blank pages o figures.”

Dapat pa rin aniyang tandaan na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang batas na GAB, at hindi ang Bicam Report, ang opisyal na isinumite para sa konsiderasyon at pag-apruba o pag-veto ng Pangulo.

--Ads--

Inulit ng Kalihim na ang batas na iprinisenta at pinirmahan ni Pangulong Marcos ay isang “kumpletong dokumento,” walang blangkong pahina o nawawalang detalye.

Kaya nga hinikayat ng DBM ang mga mamamayang Pilipino na maging maingat at beripikahin muna ang impormasyon bago gumawa at magpakalat ng alegasyon.