CAUAYAN CITY- Pauwi na sana sa Maynila ang isang pamilya ng nang mabangga ng isang motorsiklo ang sinasakyan nilang shuttle vehicle ng isang Airline sa Lungsod ng Cauayan.
Patungong Tuguegarao City ang Starex na kinalululanan ng pamilyang luluwas sa Maynila habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo.
Bigla umanong nag-overtake ang motorsiklo sa isang sasakyan dahilan upang mapunta ito sa kabilang linya at sumalpok sa paparating nasa sasakyan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rico Ibañez, Driver ng shuttle vehicle, sinabi niya na sinubukan pa umanong niyang iwasan ang motrsiklo ngunit nang dahil sa mabilis ang patakbo nito ay nagsalpukan ang mga ito.
Bagama’t nagtamo ng malubhang pinsala ang motorsiklo ay minor injuries lamang ang natamo ng tsuper nito habang maswerte namang hindi nasaktan ang driver ng shuttle vehicle at mga lulan nito.
Agad namang lumipat sa ibang shuttle ang pamilya para mahabol ang kanilang flight.
Desidido naman ang tsuper ng sasakyan na pabayaran sa driver ng motorsiklo ang damage na natamo ng sasakyan dahil ito ay shuttle service ng isang airline.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang Tsuper ng motorsiklo para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.











