--Ads--
Dalawang kabataang lalaki ang nasawi matapos mag-crash ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang puno ng narra sa Santa Lucia, Ilocos Sur.
Ayon sa imbestigasyon ng Santa Lucia Police, ang motorsiklo ay minamaneho ng isang 18-anyos na lalaki, habang isang 17-anyos na lalaki ang saksi bilang pasahero.
Nangyari ang aksidente bandang hatingabi sa Barangay Catayagan.
Ayon sa mga ulat, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho sa motorsiklo kaya’t lumihis ito mula sa kalsada at sumalpok sa isang puno ng narra.
--Ads--
Malubha ang tama sa kanilang mga ulo at katawan dulot ng impact, kaya’t agad silang dinala sa ospital, ngunit idineklara silang patay dahil sa tindi ng kanilang mga sugat.











