Naitala sa Japan ang pinaka malalang pinsala ng wildfire sa nakalipas na isang dekada na pumalo na sa 2000 hectares.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran, gumagawa na ng hakbang ang Japanese government partikular ang Japan Self Defense Force para maapula ang mabilis na pag kalat ng apoy.
Tinatayang nasa dalawang libong miyembro o kawani ng JSDF para labanan ang wilffire na nagsimula sa Yamanashi Prefecture, west ng Tokyo, at northern prefecture ng Nagano.
Isa nakikitang dahilan ay ang matagal na kawalan ng pag-ulan dahil ang buwan ng Marso ay dry season sa Japan na sinabayan pa ng malakas na hangin na siyang nagsimula ng pagkasunog ng pine trees sa kagubatan.
Dahil dito ay inilikas na rin ang libo-libong residente para sa kanilang kaligtasan.
Matatandaan na taong 2023 ay naitala ang 1,300 wildfires kaya hindi na bago ang wildfire sa Japan subalit ito na ang pinakamalaking pinsala.
Malaking tulong naman para sa JSDF at Japanese Meteorological Agency ang inaasahang pag-ulan na sasabayan ng snow sa mga susunod na araw para maagapan ang pagkalat ng sunog na sumira na rin sa ilang mga kabahayan.








