--Ads--

CAUAYAN CITY-Pahirapan pa rin sa ngayon ang ginagawang pag-apula ng mga awtoridad sa nagaganap na wildfire sa Los Angeles, California.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na ang matataas ang mga bundok sa Los Angeles kaya naman ayaw ng mga awtoridad na magpadala ng bumbero sa himpapawid dahil lubha itong mapanganib.

Aniya, kahit papaano ay mas maraming naapula ang mga bumbero ngayong araw dahil sa bahagyang pagbuti ng panahon sa naturang lugar.

Sa ngayon ay aabot na ng 179,000 katao ang nagsilikas sa California at lima ang napaulat na nasawi.

--Ads--

Maliban sa Wildfire ay nararanasan din ang winter storm sa iba’t ibang bahagi ng US dahilan upang magkaroon ng malawakang power outage sa Estados Unidos na kinabibilangan ng 616,000 na katao sa California, 6,013-member consumer sa Texas, 3,718 sa West Viriginia, at iba pang mga lugar.

Dahil sa activated na ang Emergency System sa US ay nakasuporta ang Federal Government maging ang lahat ng estado upang umagapay sa pangangailan ng mga biktima.