CAUAYAN CITY- Binuksan na sa publiko ng 5th Infantry Division Philippine Army ang West Philippine Sea gallery exhibits sa SM City Mall, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col. Camilo Saddam, Assistant Division Commander Retirees and Reservice Affair ng 5th ID, sinabi niya na ang nasabing gallery exhibit ay bahagi pa rin ng ika128 na anniversary ng philippine army.
Makikita anya sa naturang exibit ang mga larawan at mapa na nagpapakita kung gaano kalapit ang pilipinas sa west philippine sea na patunay na pagaari ng bansa nasabing bahagi ng karagatan.
Tampok dito ang iba’t-ibang mga mapa mula sa mga luma hanggang sa mga bagong bersyon na nagpapakita na nanatiling sakop ng Pilipinas ang West Philippine Sea sa loob ng mahabang panahon taliwas sa 9 dash line claim ng China na naging daan para sa patuloy na harrastment at pambubully ng Tsina.
Layon anya ng exibit na imulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng nasabing karagatan na bahagi hindi lamang sa kasalukuyan maging sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Dagdag pa niya na una na rin silang nagsagawa ng ilang progrma na nagpapakita na ang Philippine rise ay teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng bandila sa kabila ng presensya ng umano’y research vessel ng China sa lugar.
Sa kabila nito tiniyak ng militar na nanatili ang presensya nila sa Philippine Rise at sa kabuuan ng West Philippine Sea katuwang ang ibat ibang unit ng 5th ID na nakahimpil sa nasasakupang Bayan at Lalawigan ng naturang karagatan.