--Ads--

Makakasagupa ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang world No. 32 na si Diane Parry ng France sa pagsisimula ng kampanya nito sa Ningbo Open sa China, na inaasahang magsisimula ang main draw sa Lunes.

Si Parry ay kasalukuyang nasa ika-32 puwesto sa world rankings at kamakailan lamang ay nagkampeon sa WTA 500 Monterrey Open sa Mexico noong Agosto. Gayunman, nagtapos sa Round of 64 ang kaniyang kampanya sa China Open at Wuhan Open.

Hangad naman ni Eala na makabawi matapos ang kaniyang mga naging resulta sa Wuhan at Singapore. Ang mananalo sa kanilang Round of 32 match ay makakaharap sa susunod na round si Diana Shnaider o isang qualifier.Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na iskedyul para sa laban ni Eala sa torneo.