--Ads--

Isang speed eater sa Canada ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “fastest time to eat 25 Carolina reaper chili peppers” kung saan ginawa niya ito sa loob ng 4 na minuto at 36 na segundo.

Si Mike Jack, isang YouTuber na kilala sa kanyang pambihirang kakayahan na kumain ng mga maaanghang na pagkain, ang nag­pakitang-gilas sa Goatfest sa Kitchener, Ontario.

Para sa mga hindi ­pamilyar, ang Carolina reaper ay may Scoville Heat Units na umaabot sa 1,641,183. Kung ikukumpara ito sa pangkaraniwang siling labuyo, mayroon lamang itong 80,000 to 100,000 Scoville Heat Units.

Bagama’t parang wala lang kay Jack, inamin niyang matindi ang hapdi ng kanyang kinain.

--Ads--

Hindi lang ito ang unang beses niyang nagkamit ng Guinness title dahil hindi lang sa anghang siya magaling.

Noong nakaraang taon, nakapagtala rin siya ng record sa mabilisang pag-inom ng Capri Sun juice pouch gamit ang paper straw sa loob lamang ng 21.71 segundo