CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng calibration ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela sa kanilang mga assessors.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Vilma Cabrera, Provincial Director ng TESDA Isabela, sinabi niya na ang naturang aktibidad ay naglalayong I-capacitate ang mga assessor na siyang nagsasagawa ng assessment sa mga trainee.
Ito ay upang matiyak na mayroong common understanding ang mga ito sa pag-assess ng mga trainee sa iba’t ibang sector tulad na lamang sa agriculture, health, contruction at tourism industry.
Aniya, sa bawat isinasagawang assessment ay dapat makapag-assess ang bawat isa sa kanila 10 trainee sa loob ng isang araw siyang magiging basehan upang mapagkalooban ang mga ito ng National Certificate.
Maliban dito ay sinimulan na rin nila ang pag-implementa sa mga scholarship programs sa ilalim ng TESDA.
Inanyayahan naman niya ang mga nagnanais na makibahagi sa kanilang mga short-term programs na magtungo lamang sa kanilang mga training centers sa lalawigan







