Hindi pa gaanong ramdam ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa Estados Unidos sa kabila ng trade war sa pagitan ng US at China.
Matatandaan na nagpataw ng taripa ang US sa iba’t ibang mga bansa ngunit ang bansang China ang may pinaka-mataas na tarrif na umaabot sa 145%.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, na dahil sa hakbang na ito ni US President Donald Trump ay paniguradong marami ang hindi na tatangkilik sa mga chinese products na makabubuti para sa mga lokal na produkto ng America.
Aniya, bagama’t marami ang hindi pabor sa ginawa ni Trump, nilinaw nito na nais lamang ng Pangulo na magkaroon ng patas na laban.
Ito ay dahil marami ang mga produktong pumapasok sa US na hindi nagbabayad ng Tax gayong nagbabayad naman umano ang US ng taripa sa pag-export nito ng produkto mula sa ibang bansa.











