Maraming mga Governors at ibang mga labor officials ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ni US Pres. Donald Trump ng taripa sa Canada, Mexico at China.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na ito ang isa sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit ipinagpaliban ni Trump ang pagpapatupad ng 25% na taripa sa Mexico at Canada sa loob ng 30 araw ngunit tuloy naman ang 10% na taripa sa China.
Dahil sa 25% tarrif na nakatakda sanang ipatupad bukas ay bumagsak ang Dow Jones ng 650 points ngunit nang dahil sa nagkaroon ng trade agreement ang Mexico at China ngayong araw ay bahagya itong naka-recover.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit na-delay ang pagpapatupad ng Taripa sa dalawang mga bansa ay dahil mayroong Trade Agreement sa pagitan ng Mexico at US na pinirmahan ni Trump sa unang termino nito bilang Pangulo.
Napagkasunduan din ng dalawang bansa na magpapadala ang Mexico ng 10,000 national guard north border ng US para mapigilan ang pagpasok ng Fentanyl na isang uri ng iligal na droga na nagiging dahilan ng pagkasawi umano ng maraming kabataan sa US.
Aniya, bago pa man dumating ang usapin sa pagpapataw ng taripa ay mataas na ang mga bilihin sa US at inaasahan na mas lalo pa itong tataas kapag naipatupad ito.
Gayunpaman ay bukas naman umano sa pakikipag-negosasyon ang si Trump sa tatlong bansa para sa ikabubuti ng kanilang trade relationship.