--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging maayos ang isinagawang Final Testing and Sealing ng Commission on Elections o COMELEC Region 2 sa mga Automated Counting Machine o ACM na gagamitin sa halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortes ng Comelec Region 2, sinabi niya na halos lahat ng makina na gagamitin ay wala namang major issue’s maliban sa ilang minor issue na maduming scanner at isang kinailangan palitan ng USB.

Aniya, maliban sa minor issues ay nagkaroon ng replacement ng ACM sa Dinapigue dahil sa sirang printer gayun din sa Bayan ng Ramon, Isabela na may tatlong replacement dahil sa hardware issues.

Sa kabila nito tiniyak ng Comelec Region 2 na sapat ang nakahandang contingency ACM’s sa lahat ng mga Local Government Unit sa Cagayan Valley.

--Ads--

Ngayong araw ay nakatakdang magsagawa ng Final Testing and Sealing o FTS ang 29 Municipalities and City sa Cagayan, 3 Munisipyo sa Nueva Vizcaya kabilang ang Bayombong, Villa Verde at Solano, habang may ilan pang hindi tapos sa FTS sa Isabela habang natapos na lahat sa Batanes at Quirino.

Kaugnay nito naghahanda na ang komisyon sa pamamahagi ng MCVL,PCVL at mga balota na magsisimula sa May 11 o May 12 para maihanda ang mga presinto sa early voting hours na magsisimula sa alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga habang ang regular voting ay magsisimula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Paglilinaw naman ng Comelec na bagamat may exclusive early voting hours para sa mga buntis, matatanda, at may kapansanan ay maaari parin namang bumoto ng maaga ang mga regular voter.