--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang nasawi, isa ang nasa kritikal na kondisyon, at 10 pa ang sugatan sa salpukan ng pampasaherong van at pick-up sa Brgy. Callungan, Sanchez Mira, Cagayan.

May kabuuang 13 katao ang sakay ng van, kabilang ang driver. Lahat ng pasahero ay nagtamo ng iba’t ibang sugat mula sa gasgas hanggang sa mga bali sa katawan maliban sa driver na hindi nasugatan ngunit may iniindang pananakit sa dibdib, balikat, at paa.

Napagalaman na ang pampasaherong van ay galing sa Tuguegarao City at papunta sana ng Claveria ng maganap ang aksidente.

Habang binabaybay ang kalsada, nakasalubong ng van ang isang mabilis pick-up. Tinangka pa umano ng driver ng van na umiwas, ngunit bumangga pa rin ang pick-up sa passenger side ng van, dahilan upang mayupi ang parehong sasakyan at masugatan ang mga pasahero.

--Ads--