Handa na ang lungsod ng Cauayan upang salubungin ang mga delegates na makikiisa sa ikatatlong pagsasagawa ng International Smart City Exposition and Networking Engagement o iSCENE na gaganapin bukas Mayo 22-24, 2025 sa Isabela Convention Center.
Ang naturang programa ay pinagtitibay ng magkakatuwang na ahensya partikular ang Department of Science and Technology (DOST), Lokal na pamahalaan ng Cauayan, at Isabela State University (ISU).
Ayon sa DOST, malaki ang gampanin nila sa isasagawang iSCENE dahil malalaman at mapag-aaralan din nila kung ano-anong teknolohiya at makabagong kagamitan mula sa iba’t-ibang lugar ang pwedeng ma adapt ng buong lalawigan ng Isabela.
Bukas pa pormal na magsisimula ang programa kung saan inaasahang pupunta ang iba’t-ibang State Universities sa bansa maging ang iba’t-ibang personalidad mula sa ASEAN country.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Reina Santos, City Information and Communications Officer, sinabi niya na ito na ang ikatlong iSCENE na isasagawa sa Cauayan.
Inaasahang aabot sa 1500 na indibidwal ang magsasama sama partikular ang mga LGU employees, academic leaders, government leaders, service providers , at international speakers mula sa ASEAN country upang pag-usapan ang trending technologies.
7 thematic areas naman ang ibibida sa iSCENE partikular ang mga technological trends gaya na lamang ng eTRIKE, Infraspek, Project SARAi, Fuel Cell, Safewaters, Hatch, PEST D-Tech, Traffic EZ, i-pond at iba pa.
Ngayong hapon ay sinimulan na ang unang aktibidad na tinawag na hack4resilience kung saan i pre-present ang mga innovative solutions para ma address ang problem statement on disaster mitigation and disaster preparedness ng mga ahensya.











