--Ads--

CAUAYAN CITY- Matutunghayan ngayong unang araw ng International Smart and Sustainable Cities and Communities Exposition and Networking Engagement (iSCENE 2025) ang Robofusion bilang kauna unahang aktibidad sa pormal na pagsisimula ng programa.

Nakapaloob sa unang aktibidad ang lecture session para malaman at maaral ang mga parte at kilos ng isang robot.

Susunod naman dito ang robolympics competition kung saan ipapakita ng 11 school na kinabibilangan ng mga student participants ang kanilang galing sa pag operate ng isang robot

Ito naman ay inorganisa ng Philippine Society of Information Technology Educators – Cagayan Valley Chapter.

--Ads--

Ang kompetisyon ay nakategorya sa tatlo na tinawag na Line Following, Sumo, at Obstacle Avoidance.

Samantala, excited namang matuto ang mga estudyante sa paggamit ng makabagong teknolohiya lalo pa at binabalot na ng Ai technologies ang bansa.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Eriberto Arvil Daquiwag, 4th year student sa ISU Cabagan, aniya, malaki ang maitutulong ng programang nito sa bawat paaralan sa Isabela lalo pa at minsan ay kulang ang resources ng isang school sa mga importanteng bagay tulad na lamang ng technologies.

samantala,Inihayag ni Michael Angelo Barroga ang Managing Director ng XO Robotics sinabi niya na itinampok nila ang final product na XO bot B2 na kanilang dinisenyo noon pang nakaraang taon.

Plano nila na makapag produce ng XO bot B2 para sa Region 2 na siyang mag huhudyat ng pagpasok ng robotics sa Lambak ng Cagayan.

May tatlong functions ang XO B2 pangunahin na ang pagsunod sa linya o line following, Obstacle detection sa pamamagitan ng ultrasonic sensor at Sumobot.

Maliban dito ay may extra ports pa ang B2 kung saan maaaring dagdagan ang mga sensor.

Sa pamamagiota nito umaasa siya na ang XO bot ang mag bo-boost ng robotics sa Cagayan Valley.

Ang rason nila sa pagbuo ng XO bot ay upang magamit ito sa innovation partikular ang automatic guided vehicle na pangunahing ginagamit sa manufacturing industry.

Laking pasasalamat naman niya sa DOST dahil sa nabigyan sila ng pagkataon na ma-showcase ang kanilang Educational XO bots.