--Ads--

Tumaas ng 15.3% ang subsidiya ng pamahalaan sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa unang tatlong buwan ng taon, na umabot sa halos ₱22.59 bilyon, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury.

Pinakamalaking bahagi ng pondo ay napunta sa National Irrigation Administration (NIA) na tumanggap ng ₱8.03 bilyon (36% ng kabuuan), bagama’t mas mababa ito ng 22% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sumunod ang National Food Authority (NFA) at Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) na tumanggap ng tig-₱2.25 bilyon. Ang PCIC ay wala namang natanggap na subsidiya noong 2024.

Ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ay pumangatlo na may ₱1.94 bilyon, na dati rin ay hindi nabigyan ng pondo.

--Ads--

Kasama rin sa mga tumanggap ng malaking subsidiya ang National Housing Authority, Philippine Fisheries Development Authority, at ilang medical at transport agencies.

Ang pinakamaliit na pondo ay napunta sa Zamboanga City Special Economic Zone Authority (₱12 milyon), Philippine Center for Economic Development at Philippine Tax Academy (tig-₱15 milyon), at Southern Philippines Development Authority (₱21 milyon).

Sa kabila ng pagtaas ng subsidiya, lumobo ang budget deficit ng bansa sa ₱478.8 bilyon, halos 80% na mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ito’y dahil mas mabilis ang pagtaas ng gastusin (22.4%) kaysa sa kita mula sa buwis at iba pang revenue (7%).