--Ads--

Umakyat ng 14% ang rice stocks ng bansa, na umabot sa 2.37 milyong metric tons (MT) noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito ng halos 300,000 MT kumpara sa 2.07 milyong MT na naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon. Sa buwanang tala, tumaas ng 1.3% ang imbentaryo mula sa 2.34 milyong MT noong Abril.

Ang pagtaas ng suplay ay dahil sa ani sa tag-init at patuloy na pagpasok ng imported rice, ayon sa mga eksperto sa industriya.

Batay sa PSA report, 49.4% ng kabuuang rice stocks ay mula sa mga kabahayan, 33.9% sa komersyal na sektor, at 16.8% sa National Food Authority (NFA) warehouses.

--Ads--

Samantala, bumaba ng 5.6% ang corn stocks ng bansa sa 671,100 MT mula sa 710,720 MT noong nakaraang taon.