--Ads--

Naghahanda na ang pamunuan ng Reina Mercedes Police Station para pagtiyak ng seguridad ng mga makikiisa sa mga aktibidad ng Masetas Festival.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jefferson Dalayap ang Deputy Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niya na nakapag request na sila ng augmentation sa IPPO kung saan magkakaroon ng karagdagang pwersa ng mga pulis.

Humiling na rin sila ng karagdagan na pwersa mula sa hanay ng Barangay sa pamamagitan ng mga Force Multipliers.

Tiniyak naman niya na bagamat sa magkahiwalay na venue isasagawa ang mga aktibidad sa Masetas Festival ay sapat ang pwersa ng PNP para sa pagbabantay sa mga bisita.

--Ads--

Paalala niya na sa isasagawang concert ay maghihigpit sila sa pagbabawal ng mga blades weapon, mga baril at iba pang kontrabando.

Sa kabila ng mga kasiyahan ay mananatili ang Comelec Checkpoint ng PNP dahil umiiral pa ril ang election period hanggang June 13.

Makakatuwang naman nila ang BFP para sa pag asiste din sa mga aktibidad sa fiesta.