CAUAYAN CITY- Arestado ang apat na katao kabilang ang ilang menor de edad na naaktuhang tinangay ang ninakaw na baka sa Baranagy Brgy. Paragu, Tumauini, Isabela
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Melchor Aggabao ang hepe ng Tumauini, Isabela,sinabi niya na iba’t ibang report ang nakarating sa kanila kaugnay sa pagkawala ng mga alagang baka, kalabaw, maging mga makina at binhi.
Para matugunan ang mga reklamo ay nag deploy siya ng mga pulis na magbabantay sa mga lugar kung saan nagaganap ang nakawan.
Aniya nagkataong nag papatrolya ang kanilang tropa sa bahagi ng Barangay Paragu at Pilitan ng ma-daanan nila ang dalawang magkasunod na tricycle kung saan napansin ang nakalabas na pwet ng baka.
Hinabol ng mga pulis ang dalawang tricycle kung saan ang isa ay tumakas habang ang tricycle driver at angkas ng isa pang tricycle ay tumakas din,naiwan sa lugar ang isa pa nilang kasamahan na menor de edad din na agad namang nadakip ng mga pulis.
Agad dinala sa himpilan ng pulisya ang menor de edad kung saan isa isa ay itinuro niya kung sino ang kaniyang mga kasama.
Agad nagsagawa ng hot pursuit ang Pulisya at sa tulong ng impormaysong ibinahagi ng isa sa suspek ay nadakip si Alyas Nel ang driver ng isang tricycle na nagsisilbing look out, Alyas Jon, at alyas Roger na siya umanong mastermind na isang 22-anyos.
Sa ginawa nilang berepikasyon ay natukoy ang tunay na may-ari ng limang buwang gulang na baka na tangay ng mga suspek na sina Restituto Tumolva at Elizabeth Tumolva ng San Ignacio, Ilagan Isabela.
Ayon sa mga may-ari hindi nila binenta ang baka at kinumpirmang tinangay ito ng mga suspek.
Inamin din ng mga menor de edad na supek na sila ang utak sa pagnanakaw ng makina ng patubig sa Barangay Aga Delfin Albano Isabela.
Naging daan ito para marekober ng PNP ang sinasabing makina sa bahay ng isa sa mga suspek kung saan inamin nila na ibinebenta nila ito sa murang halaga at kung hindi maibebenta ay dadalhin sa junkshop.
May iba’t ibang rebelasyon pa ang mga suspek kabilang ang pagnanakaw ng kambing sa iba’t ibang lugar sa Tumauini, Isabela maging mga ibinibilad na mais sa daan.
Sa ngayon ang menor de edad na suspek ay ipinasakamay sa DSWD habang ang tatlong iba pa ay pansamanatalang pinalaya alinsunod sa kautusan ng korte na magsagawa pa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa mga dokumento ng ninakaw na baka.










