--Ads--

Inaasaha ang muling tataas ng halos ₱1 kada litro sa presyo ng langis sa bansa sa Hunyo 17, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, ang paunang tantiya ay batay sa unang dalawang araw ng trading, ngunit ang final na presyo ay ibabatay sa average ng buong linggo.

Ang pagtaas ng presyo ay dulot ng iba’t ibang geopolitical na isyu, kabilang ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasunduan ng U.S. at Iran, ugnayan sa kalakalan ng U.S. at China, pagbaba ng imbentaryo ng langis sa Amerika, at palitan ng piso at dolyar.

Tiniyak ng DOE ang patuloy na inspeksyon at mga hakbang upang protektahan ang mga mamimili, kabilang ang subsidiya para sa mga magsasaka, mangingisda, at tsuper.

--Ads--