--Ads--

Bumiyahe patungong Australia si Pangalawang Pangulo Sara Duterte para sa isang personal na paglalakbay, kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon sa abiso, kabilang sa kaniyang itinerary ang pagdalo sa isang kilos-protesta na nananawagan ng paglaya ng kaniyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakdang dumalo si VP Sara sa “Free Duterte Now” rally na gaganapin sa Melbourne ngayong Linggo, Hunyo 22.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng panawagan para palayain ang dating pangulo na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong isinampa sa international tribunal.

--Ads--

Bago ang biyahe sa Australia, nagtungo rin si VP Sara sa Malaysia noong nakaraang linggo para sa personal trip kasama ang kaniyang pamilya.

Dumalo siya roon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at nakisalamuha sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang bahagi ng kaniyang pakikiisa sa Filipino community sa ibang bansa.