--Ads--

Matapos ang isang mataas na antas na operasyon na tumarget sa mga nuclear facilities ng Iran, matagumpay na nakabalik sa Whiteman Air Force Base sa Missouri ang pitong B-2 Spirit stealth bombers nitong Linggo.

Tinaguriang Operation Midnight Hammer, ang misyon ang pinakamalaking air strike gamit ang B-2 bombers sa kasaysayan ng Estados Unidos, na nilahukan ng mahigit 125 sasakyang panghimpapawid.

Ayon sa mga ulat, tinarget ng operasyon ang mga pasilidad sa Fordow, Natanz, at Isfahan, gamit ang mga precision-guided bunker-buster bombs, na kilala sa kakayahang tumagos sa mga underground facilities.

Pinuri ni dating U.S. President Donald Trump ang mga piloto sa isang social media post: “The GREAT B-2 pilots have just landed, safely, in Missouri. Thank you for a job well done!!!”

--Ads--

Bagaman walang opisyal na pahayag pa mula sa Pentagon ukol sa lawak ng pinsala, itinuturing ang operasyon bilang isang “show of force” na mensahe sa harap ng nuclear ambitions ng Iran.