Kumpirmadong lima ang nasawi habang pito ang nasa kritikal na kondisyon matapos tumagilid ang isang mini dump truck na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ng Silay sa Sitio San Juan, Barangay Guimbalaon, Silay City.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Silay City Police Station, 13 pa ang nagtamo ng minor injuries. Lulan ng trak ang 24 na Job Order casual employees ng LGU na kagagaling lamang sa isang tree planting activity sa Sitio Patag.
Isinalaysay ni Lina Andrade isang Job Order casual at asawa ng isa sa mga nasugatan na ilang beses nang tumirik ang trak habang paakyat ng bundok. Dahil dito, may ilang pasaherong bumaba sa takot, ngunit muling sumakay nang marating ang tuktok.
Ayon pa sa kanya, bumaba na ang trak pabalik habang naiwan ang iba sa lugar matapos ang tree planting activity. Laking gulat niya nang mabalitaan ang aksidente, lalo’t sakay nito ang kanyang asawang si Aaron Andrade, isang street cleaner ng lungsod.
Bagama’t nagpapasalamat siyang minor injuries lamang ang tinamo ng asawa.











