--Ads--

Mananatiling kabilang ang Pilipinas sa hanay ng mga lower-middle-income country (LMIC), batay sa pinakahuling klasipikasyon ng World Bank na inilabas nitong Martes.

Sa kabila ng pagtaas ng gross national income (GNI) per capita ng bansa sa $4,470 ngayong 2024—ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan—hindi pa rin ito umabot sa bagong itinakdang threshold para sa upper-middle-income country (UMIC) na nagsisimula sa $4,496 hanggang $13,935.

Ginamit ng World Bank ang tinatawag na Atlas method sa pagkalkula ng GNI per capita upang matukoy ang antas ng kita ng bawat bansa. Ayon sa kanilang bagong klasipikasyon para sa fiscal year 2026, na tumatakbo mula July 1, 2025 hanggang June 30, 2026, bahagyang ibinaba ang mga income threshold, ngunit hindi pa rin ito sapat upang maisama ang Pilipinas sa mas mataas na kategorya.

Bagaman kapos sa ilang dolyar ang bansa para makamit ang UMIC status, positibo pa rin ang pananaw ng ilang ekonomista na malapit nang maabot ito sa mga susunod na taon kung magpapatuloy ang pag-angat ng ekonomiya.

--Ads--