--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na narekober ng mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon, Tactac Forward Operating Base (FOB) ng 205th Maneuver Company, RMFB2, ang isang carnapped na motorsiklo at naaresto ang suspek bandang sa kahabaan ng National Highway, Barangay Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ang nasabing motorsiklo ay isang itim na Suzuki Skydrive na may plakang AUM112, pagmamay-ari ni Khryzlerr Ubaldo ng Barangay Alejo Malasig, Vintar, Ilocos Norte. Napaulat na nawawala ito noong Hunyo 26 at naka-blotter sa San Nicolas Police Station.

Naaresto ang suspek na si alias Rodrigo, 50 taong gulang, residente ng Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang 2nd MP mula sa hepe ng Santa Fe Municipal Police Station kaugnay sa kahina-hinalang lalaking sakay ng naturang motorsiklo at nakasuot ng asul na kapote.

--Ads--

Habang nagsasagawa ng border checkpoint, napansin ng mga operatiba ang motorsiklo na huminto sa harap ng Scenery Café, na tila umiiwas sa inspeksyon.

Nang lapitan ng pulisya, napansing nakasuot ng PNP GOA uniform pants ang suspek na posibleng, hiningan ito ng mga dokumento para sa motorsiklo ngunit napag-alamang hindi tumutugma ang pangalan sa rehistrado nitong may-ari. Sa beripikasyon ng kapatid ng biktima, kinumpirma ang pagkawala ng sasakyan.

Agad na inaresto ang suspek at isinailalim sa kustodiya ng 2nd MP, Tactac FOB. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang yunit sa Santa Fe Police Station para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.