--Ads--

CAUAYAN CITY- Naaresto ang isang massage therapist na kabilang sa mga street-level individual sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa isinagawang operasyon ng PNP sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa pinagsanib na operasyon ng Cauayan City Drug Enforcement Unit (CDEU) katuwang ang RMU2 at PDEA Isabela, nasakote si alyas “Rosie” (hindi tunay na pangalan), 26 taong gulang, residente ng Brgy. Alicaocao, Cauayan City.

Nakumpiska sa kanyang pangangalaga ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item), isang ₱500 bill at limang ₱100 bills na buy-bust money

Dinala ang suspek sa Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso, habang ang mga nasamsam na ebidensya ay isinailalim sa forensic examination sa Cauayan City Forensic Unit.

--Ads--