Nagdulot ng bahagyang mabigat na daloy ng trapiko ang naganap na landslide sa Nueva Vizcaya-Benguet Road dahil sa nararanasang pag-ulan sa bahagi ng Sitio Pucgong, Brgy. Pangawan, Kayapa Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRMO 3 Joan Joan Lagasca , sinabi niya na nagkaroon ng land slide sa Nueva Vizcaya- Benguet Road sanhi para hindi ito madaanan kahapon.
Naging tuloy tuloy ang road clearing operations gamit ang malalaking equipment ng DPWH sa mga nagkalat na puno at ilan pang debris sa lugar kaya makalipas lamang ang ilang oras ay nagawang malinis ang isang lane ng kalsada.
Dahil sa landslide ay maraming mga sasakyan na patungong Baguio at pabalik ng Nueva Vizcaya ang nastrandedkung saan kabilang sa mga stranded ay ilang biyahero at truckings na maghahatid sana ng goods.
Ngayong araw kung magiging maayos ang lagay ng panahon at titila ang pag-ulan ay maaring tuluyan nang mabuksan ang buong kalsada kapag nalinis ang mga debris.











