--Ads--

Inaasahang muling mararamdaman ng mga motorista at mamimili ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo pagkatapos ng dalawang magkasunod na linggo ng pagbaba ng presyo.

Ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ay dulot ng mga pag-atake sa Red Sea at pangamba sa posibleng pagbaba ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado

Sa magkakahiwalay na abiso ngayong Lunes, kinumpirma ng mga kompanyang Seaoil, Clean Fuel, at Petro Gazz na tataas ng P1.40 kada litro ang presyo ng diesel simula bukas araw ng Martes.

Bukod dito, madaragdagan din ng P0.70 kada litro ang presyo ng gasolina at P0.80 kada litro para sa kerosene.

--Ads--

Isa din sa mga nakitang dahilan sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo ay ang tumataas na demand para sa crude oil at mga produktong petrolyo.