--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapasalamat ang pamunuan ng Lungsod ng Ilagan sa naging matagumpay na pagdaraos ng Premier Volleyball League (PVL) on Tour na ginanap sa The Capital Arena sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ay dinaluhan ng mga premyadong manlalaro at koponan ng volleyball sa Pilipinas gaya ng PLDT High Speed Hitters, Petro Gazz Angels, Farm Fresh Foxies at Choco Mucho Flying Titans.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay General Service Officer Ricky Laggui ng Ilagan City, sinabi niya na hindi matawaran ang saya ng mga libu-libong taga-suporta na nanood sa mga laro.

Natutuwa rin aniya ang mga nabanggit na koponan dahil marami silang taga-hanga rito sa lalawigan ng Isabela.

--Ads--

Nagpaabot din aniya ng pasasalamt si City of Ilagan Mayor Jose Marie Diaz sa lahat ng mga bumubuo sa matagumpay na event at sa mga taga-suporta na mula pa sa ibang lugar na bumiyahe ng malayo mapanood lamang ang kanilang mga iniidolong koponan sa PVL.

Nakatulong naman ng malaki ang pag-host ng Ilagan City ng naturang event sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), Public Utility Vehicles at sa turismo sa Ilagan dahil pagdagsa ng maraming lokal na turista.