Nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kamakailan lamang na pagtaas sa agricultural commodity smuggling bilang isang national security threat.
Ito ang dahilan ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kung bakti agad na inatasan ni Pangulong Marcos ang mga law enforcement at intelligence agency na tulungan ang Department of Agriculture (DA) sa pagtugon sa illicit trade, na labis na nakaaapekto sa food security ng bansa.
Aniya, labis na nag-aalala ang Pangulo ukol sa pinsala na dulot ng market-disruptive practices sa lokal na magsasaka, mangingisda at lehitimong negosyo.
Tiniyak ng Kalihim na mahaharap sa legal consequences ang mga customs brokers bilang bahagi ng pagsisikap na ipatupad ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, the Food Safety Act, at Customs Code.










