CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang lalawigan ng Batanes sa posibleng maging epekto ng Tropical Strom Crising.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Giovannie Cejes, sinabi niya na nagsagawa na sila ng accounting ng reactionary standby supports force at Search Rescue and Retrieval Teams at mayroon na rin silang pakikipag-ugnayan sa mga respective Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Pangunahin naman nilang tututukan ang posibleng pagguho ng lupa o landslide na kadalasang naitalala tuwing may kalamidad kaya maaga pa lamang ay nakapag-abiso na sila sa publiko hinggil sa panganib na dala ng bagyo.
Maaga pa lamang ay nakapag-bigay na sila ng warning sa mga residente dahil nagiging pahirapan ang linya ng komyunikasyon kapag sumama na ang panahon.
Daglian din aniyang sumusunod ang mga residente sa mga panuntunan lalo na tuwing kinakailangan ng pre-emptive evacuation sa ilang mga lugar.
Naisaayos na rin ang mga evacuation centers sa lalawigan dahil ito ang nagsisilbing kanlungan ng maraming Ivatan tuwing may kalamidad.
Wala namang problema sa Batanes pagdating sa pagbaha dahil ang mga tubig-ulan ay dumideretso agad sa karagatan.
Ayon kay PLt. Col. Cejes, sa ngayon ay naglalagay na ng proteksyon ang mga mga residnete sa bintana ng kanilang mga bahay at nagtatali na ng kanilang bubong – ito ay tradisyunal na paghahanda ng mga Ivatan tuwing may paparating na bagyo na tinatawag nilang ‘Tapangko’.











