--Ads--

Ipinahayag ni Finance Secretary Ralph G. Recto na bukas ang Pilipinas sa posibilidad ng zero tariff o walang buwis sa piling produktong mula sa Amerika. Ito ay bahagi ng layunin ng administrasyong Marcos na palawakin ang mga free trade agreement (FTA), kabilang ang pakikipagkasundo sa Estados Unidos.

Nilinaw ni Recto na hindi lahat ng produkto mula sa US ay saklaw ng panukala at may partikular lamang na items na isinasaalang-alang, bagama’t hindi pa ibinunyag ang mga detalye.

Kapalit nito, layunin din ng Pilipinas na mabawasan o alisin ang taripa sa mga pangunahing export ng bansa tulad ng semiconductors. Ayon kay Frederick Go, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, marami pa sa electronics exports ng bansa ang hindi sakop ng reciprocal tariffs.

Dagdag ni Recto, ang 20% tariff hike na ipinataw ng US sa ilang produktong Pilipino ay bahagi ng usaping pangkalakalan at hindi na ito ikinagulat ng pamahalaan.

--Ads--