CAUAYAN CITY- Nakatakdang magpatawag ang hanay ng Sangguniang Panlungsod ng Committee meeting kasama ang mga namumuno ng Private Market.
Ito ay upang pag-usapan ang mga usapin may kaugnayan sa mga environmental issue sa Primark.
Sa naging session ngayong araw, isa sa mga idinulog sa konseho ay ang pagpapatawag sa mga namumuno ng Primark upang mabigyang pansin ang mga nakikitang problemang pangkapaligiran sa pamilihan.
Kasunod ito ng ginawang pagbisita ng mga LGU Officials sa pribadong pamilihan nitong nakaraang araw kung saan nagsagawa ng declogging sa nasabing pamilihan.
Isa sa napansin ng ilang mga LGU officials ay ang tungkol sa sanitation ng lugar kaya nais ng mga namumuno na ipatawag ang management ng primark.
Ito ay upang pag usapan ang tungkol sa sanitation at kung papaano matutugunan ang mga environmental issue na kinakaharap ng pamilihan.











