Ibinunyag ng Bureau of Customs (BOC) na bumaba ng halos 60 porsyento ang nakolektang buwis mula sa inangkat na bigas sa unang anim na buwan ng taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa paunang datos, umabot lamang sa halos P9.7 bilyon ang koleksyon mula Enero hanggang Hunyo, mas mababa ng 58% sa P23.2 bilyon noong 2024.
Tumaas pa nga ng 4% ang dami ng inangkat na bigas umabot sa halos 2.4 milyong metric tons, mula sa 2.3 milyon Metric Tons noong nakaraang taon.
Ayon sa mga stakeholder ng industriya, sanhi ng pagbaba ang patuloy na pagpapatupad ng 15% tariff rate sa imported rice.
Dahil sa mababang koleksyon, tinatayang aabot lamang sa P18B–P20B ang buong taong kita mula sa rice tariffs—kulang para sa nakatakdang P30B Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Nagpahayag ang DA na dapat ibalik ang dating 35% tariff rate, ngunit dahan-dahan upang maiwasan ang pagkabigla sa merkado ng bigas











