--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang bagong silang na lalaking sanggol ang natagpuang abandonado sa loob ng isang sirang van sa Barangay San Fermin,Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Pancho Cortez Jr. Ang Assistant Operation ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na naiulat sa kanila ang pagkakatagpo sa isang bagong silang na lalaking sanggol sa loob ng isang sirang van sa Barangay San Fermin.

Aniya, nadiskubre ito nina Fe Peñaflor at Romel Guado pasado alas-5 ng hapon nitong July 24,2025.

Una rito ay nakarining sila ng iyak ng isang sanggol at ng sundan kung saan nangagaling ang iyak ay nakita nila ang hubo’t hubad na sanggol sa loob ng sirang van.

--Ads--

Agad nilang kinuha ang baby at dinala sa Cauayan City District Hospital para ipasuri kung saan nakita na malusog ang sanggol bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Dahil sa napapadalas na insidente ng pag-abandona sa mga bagong silang na sanggol ay pinaigting nila ang hakbang sa pagsasagawa ng information drive sa mga barangay at eskwelahan para paalalahanan ang mga kabataan sa mga epekto ng maagang pagbubuntis.

Hanggang sa ngayon ang sanggol ay nasa pangangalaga ng City Social Welfare Development Office o CSWDO.