Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research na isinagawa mula Hulyo 12 hanggang 17, bumalik ang tiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang quarter ng 2025.
Ito ay matapos tumaas sa 64 porsyento mula sa 60 porsyento noong nakaraang quarter.Umakyat din sa 3 puntos sa 62 porsyento mula 59 porsyento ang knaiyang performance rating.
Pinakamataas ang tiwala sa Balance of Luzon (70%), habang pinakamababa sa Mindanao.
Ang OCTA ay nagsabi na ito’y malinaw na pagtigil sa pagbaba ng rating na simula pa noong ika-apat na quarter ng 2024.
Samantala, nakaranas si Vice President Sara Duterte ng malaking pagbaba sa parehong trust at performance ratings.
Ang kaniyang trust rating ay bumaba sa 54 porsyento mula sa 58 porsyento.Habang tumaas ang kaniyang distrust rating ng 4 puntos sa 23 porsyento.
Bumagsak naman ng 6 puntos sa 50 porsyento mula sa 56 porsyento ang performance rating nito.
Mataas pa rin ang suporta sa Mindanao (91%), pero mababa sa NCR (33%).
nakapagtala naman si Senate President Francis Escudero ng mababang trust rating na 51 % mula sa dating 55% habang ang performance rating ay bumama din sa 49% mula sa dating 53%.
Tumaas naman ang trust rating ni Speaker Martin Romualdez sa 57 porsyento mula 54 % at performance rating ay umakyat sa 59 porsyento mula sa 55%, pasok pa rin sa margin of error.








